34

By

Esteban babandera sa eskrima sa Asiad

Walo hanggang siyam na eskrimador ang nakatakdang maging pambato ng Philippine Fencing Association, Inc., sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta’t Palembang, Indonesia.

Nabatid ito ng Abante kay PFAI auditor at general manager Maria Leonor ‘Marilee’ Estampador sa pagpinid ng tabing ng dinaluhan niyang dalawang araw na Philippine Sports Commission 2nd Women Sports Congress 2018 noong Biyernes sa Century Park Hotel sa Malate, Manila.

“Kadarating lang nila noong Lunes (Hunyo 11) from three-week training sa Paris (France National Training Center),” wika ni Estampador na isa mga haligi ng nasabing sport sa bansa at dating premyadong national athlete.

Trangka sa mga pa-quadrennial 2018 Asiad si Maxine Isabel Esteban, na katataga lang ng gold medal sa women’s U20 individual foil sa nakalipas na buwang Trekanten International – Nordic Championships Foil 2018 sa Valby Hallen sa Copenhagen, Denmark.

Makakasama niya sina Brennan Wayne Louie, Nathaniel Perez, at Michael Nicanor sa men’s foil, , Samantha Kyle Catantan, at Justine Gail Tinio sa women’s foil, Hanniel Abella sa women’s epee at Noelito Jose, Jr. sa men’s epee.

Nakatakda pang pagpasyahan ng PFAI board of trustees na binubuo nina Richard Gomez (president), Eugenio Gonzales (chairman), Michael David Abundo III (vice-chairman), Rene Gacuna (secretary general), Celso Dayrit (president emeritus), Leah Gonzales (vice-president/treasurer) at Estampador, at nina coaches Rolando Canlas, Ramil Endriano at Arman Bernal kung may pangsiyam at huling national team member.

Bahagi pa ng international exposures ng Nationals bago mag-Indonesia Asiad ang Asian Senior Fencing Championships sa Hunyo 17-22 sa Bangkok, Thailand at ang World Fencing Championships sa Wuzi, China sa Hulyo 19-27. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?