48

By

eSports SEA Games lineup ihahayag

Nakatakdang ihayag ng Philippine Southeast Asian Games eSports Union (PSEU) ang bubuo sa pambansang koponan na sasabak sa anim na game title na paglalabanan sa unang pagkakataon sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Alvin Juban, na siyang nangangasiwa sa PSEU, na kanilang ihahayag ang bubuo sa pambansang koponan matapos nitong isumite ang listahan sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

“Anytime today or tomorrow, we will announce the lineup,” sabi ni Juban, ukol sa sasabak sa anim na game titles na DoTA 2, StarCraft II, Arena of Valor, Mobile Legends: Bang Bang, at Tekken 7.

Ang pinal na listahan ng mga player ay kabibilangan ng pito sa team games tulad ng Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, at Arena of Valor at dalawa sa individual games tulad sa Tekken 7, Hearthstone, at StarCraft II.

Ito ang unang pagkakataon na makakabilang ang eSports bilang isang regular event o medal sport sa SEA Games, na gaganapin sa FilOil Flying V Centre in San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?