13

Dec 18, 2020 @ 19:40
By

Esports pasok na sa Asian Games

May bagong event sa Asian Games kung saan puwedeng makahakot ng medalya ang ‘Pinas.

Inanunsyo ng Olympic Council of Asia (OCA) na isasama ang Esports bilang medal event sa 2022 Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China.

Noong 2018, nakasama na rin ang Esports sa Asian Games ngunit demo sport lamang ito at walang makukuhang medal.

Kasama sa mga nilaro noon ay ang League of Legends, Pro Evolution Soccer, Starcraft II, Heartstone, Clash Royale at Arena of Valor.

Bukod pa sa Esports, unang napasama sa medal event ay ang breakdancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?