19

Sep 17, 2021 @ 17:44
By

ESPN: Spoelstra nangangamoy Coach of the Year!

Mukhang si Miami Heat Coach Erik Spoelstra ang hihirangin bilang Coach of the Year ng NBA 2021-2022 Season.

Ito ang palagay ng mga eksperto mula sa ESPN.

Sa lumabas kasi na resulta ng preseason prediction poll ng nasabing cable sports channel, nanguna ang Fil-Am NBA coach sa kabuuang puntos na 23 at rating na 5.6% first-place votes.

Sinundan naman si Spoelstra ni Steve Nash ng Brooklyn Nets na siyang nakakuha ng 22 points at rating na 22.2% first-place votes.

Batay sa website ng Heat Nation, ipinagkakaloob ang naturang award sa coach na siyang may team na nagkaroon ng pinaka “wow” factor sa paglalampaps nito sa expectations ng publiko sa kanila.

Batay sa report, si Spoelstra ang kasalukuyang pinakaswak sa kategoryang ito.

Ilan pa sa mga pangalang matunog para sa Coach of the Year award sina Ime Udoka ng Boston Celtics, Quin Snyder ng Utah Jazz at Taylor Jenkins ng Memphis Grizzlies. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?