352

Apr 4, 2021 @ 22:25
By

ESPN host: Pacquiao tulog kay Crawford!

Kumpiyansa ang isang sports personality ng ESPN na hindi kakayanin ni Manny Pacquiao ang mga suntok ni Terence Crawford.

Sa ‘First Take’, sinabi ni Stephen A. Smith na sakaling matuloy ang laban ng dalawang boksinger ay panigurado umanong knockout ang ‘Pambansang Kamao’.

“I love Pacquiao and I’m scared he’s gonna get knocked out,” ayon kay Smith.

Dahilan ni Smith, alam niyang kaya pa naman lumaban ni Pacquiao kahit 42-anyos na ito, ngunit tingin niya’y ibang klase ang kalibre ni Crawford.

“When you look at Pacquiao, he’s great, he’s aged, we get that. I’m saying this because of Crawford, not because of Pacquiao. I’m just saying Crawford is, he’s on another level.”

Huling lumaban si Pac-Man noon pang 2019 kung saan nakalusot siya kontra Keith Thurman vial split division.

Si Crawford naman ay huling lumaban noong 2020, kung saan sinungkit niya ang ika-37 panalo sa technical knockout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?