50

By

Esplana nang-power trip? Valenzuela Classic pinagbawalan sa sariling home court

Problemado ngayon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) team na Valenzuela Classic dahil kasabay ng pagbibitiw ng kanilang head coach na si Gerry Esplana ay ang pagkawala din ng kanilang pinaglalaruang home court.

Sa tweet ng sports insider na si Snow Badua, nilahad nito ang Executive Order mula sa local government ng Valenzuela na bawal nang maglaro ang Classic sa Valenzuela Astrodome.

Tingin ni Snow, posibleng nakaapekto ang pagiging Sports Director ni Esplana sa Valenzuela kaya pinagbawalan ang Classic sa astrodome.

“Back when I was at helm of MPBL, it was part of my house rules TO NEVER ALLOW LGU TO MINGLE IN AFFAIRS OF THE TEA,” ayon sa tweet ni Badua. “And as much as possible, we encourage teams to play in private gyms.”


Sa ilan pang tweet ni Snow, nagbigay na ng eksplenasyon ang kampo ni Esplana, na pinaliwanag na masyado umanong nakialam ang management sa diskarte ng coaching staff.


Bigla-bigla rin umano ang pag-schedule ng Classic ng laro nang wala man lang pasabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?