ABANTE HARRY ROQUE SALARY INCREASE TODO EXPLAIN
By

Espinosa, Lim, Co hindi pa ligtas sa kaso – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi pa rin makakapagsaya nang ganap sa kanilang kasong may kinalaman sa ilegal na droga sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co kahit na-dismiss na ito ng korte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may automatic review ang Department of Justice sa kaso ng tatlong suspected drug lords kung saan titingnan kung saan ito naging mahina.

Naiintindihan aniya ng Palasyo ang sentimiyento at pagkadismaya ng publiko lalo pa at ang kampanya kontra ilegal na droga ang isa sa pangunahing tatak ng Duterte administration.

“Hindi pa po tapos ang ‘boxing’ laban kay Peter Lim at dito kay Kerwin Espinosa. Rerepasuhin pa po ‘yan ng kalihim ng Department of Justice, at sisiguraduhin na tama ang naging naunang desisyon ng ating mga public prosecutors. Mahirap po talagang magsalita kung anong naging basehan ng mga public prosecutors, dahil ako mismo, hindi ko pa nababasa iyong kanilang desisyon. We would like to assure the public that the dismissal is far from being final,” ani Roque.

Maaari aniyang muling i-re file ng Philippine National Police ang kaso laban kina Espinosa, Lim at Co at maglabas ng dagdag na ebidensiya pero kinakailangang maging maingat sa pagkakataong ito para matiyak na makuha ang conviction.

“The police can re-file the case, can introduce additional evidence, but we need to be very careful that at this stage, that the evidence would be complete to sustain a conviction when filed before the courts,” dagdag pa ni Roque.

Tiniyak naman ni Roque na hindi maaapektuhan ang kaso ni Senadora Leila de Lima dahil may ibang tetestigo laban sa senadora.

Si Espinosa ay isa sa mga humarap sa Senado na nagdiin kay De Lima sa drug case nito matapos aminin na binigyan niya ang senadora ng malaking halaga para magamit nito sa kanyang senatorial campaign.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?