By

Espinosa, dumalo sa pagdinig sa DOJ kaugnay ng drug case

Sharing is caring!

Dumating muli sa pagdinig sa Department of Justice (DOJ) ang hinihinalang big-time drug lord sa Visayas na si Kerwin Espinosa para sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Si Espinosa ay kapwa respondent nina Peter Lim at Peter Co sa reklamo ng PNP-CIDG na nag-ugat sa drug trade sa Visayas.

Guwardiyado si Kerwin ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nasa ilalim si Kerwin ng provisional coverage ng Witness Protection Program.

Nakatakdang magsumite ngayon ang Office of the Solicitor General na tumatayong abogado ng PNP-CIDG ng karagdagang ebidensiya.

Ang pagdinig ay kasunod ng reinvestigation na iniutos ng Office of the Secretary of Justice makaraang ibasura ng unang panel of prosecutors ang reklamo ng PNP-CIDG dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Pinangangasiwaan ang reinvestigation ng panibagong panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?