49

Espesyal na halalan isasagawa ng Comelec sa Isabela

Magaganap ang isang espesyal na halalan sa Lunes, Mayo 20 sa Barangay Dicamay 1, Jones town, Isabela matapos na sunugin ng mga armadong kalalakihan ang mga vote-counting machine sa naturang lugar.

Ito ang anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.

Ani Comelec, hindi pa nila nabibilang ang mga certificate of camvass mula sa Lanao del Sur, Isabela, at Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Washington DCPE, Japan, Saudi Arabia, at Kuwait.

Noong Martes, ayon sa mga election officer, idedeliver n asana ang mga vcm sakay ng dump truck patungo sa municipal hall nang atakihin ito ng dalawang armadong kalalakihan, dakong ala-6 ng umaga

Kinuha umano ng suspek ang susi ng trak at sinilaban ang mga makinarya bago tumakas.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?