21

May 15, 2021 @ 15:51
By

Esperon kay JoMa Sison: Patanggal ka sa listahan ng terorista

Hinamon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon si communist leader Jose Maria Sison na maghain ng petisyon upang matanggal sa listahan ng mga terorista na inilabas ng Anti-Terrorism Council (ATC).

“Ngunit, alam mo yung mga Abu Sayyaf, hindi na magfi-file yan dahil talaga naman terorista ‘yang mga yan. Edi mag-file sila—sila Sison—mag-file sila,” pahayag ni Esperon.

Binibigyan umano nila Esperon ng 15 araw ang mga nakalistang terorista upang maghain ng nasabing petisyon.

“May warrant of arrest nga yan. Pumunta siya dito at panagutan niya yung iba pa nyang kasalanan,” dagdag pa ni Esperon.

Si Sison ay kasama sa 19 na pinaniniwalaang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kasama sa listahan. Kasama nila ang 10 miyembro ng Abu Sayyaf.

Kinondena ng CPP ang naturang listan ng ATC at tinawag na “oppressive weapon” ang Anti-Terrorism Law na siyang nasa likod ng paglalabas ng listahan ng mga terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?