489
abante-tnt-vismin-Zeid-Raad-Al-Hussein
By

Esperon, inawat si Duterte sa pagbanat sa Prince of Jordan

Sharing is caring!

Dalawang Cobra helicopters mula sa Jordan ang katapat ng pagtigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuligsa sa Prince of Jordan na si Zeid Ra’ad al Hussein na siya ring United Nations High Commissioner for Human Rights.

Ang UN High Commissioner ang nagsabing dapat magpatingin si Pangulong Duterte sa psychiatrist dahil sa matalas na pananalita nito laban sa mga pumupuna sa kanyang anti-drug war.

Sinabi ng Pangulo na inawat siya ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon sa pagbanat sa Prince of Jordan dahil nangako aniya ang Jordan government na bibigyan ang Pilipinas ng dalawang Cobra helicopters.

Katunayan aniya ay naipadala na sa kanyang tanggapan ang electronic copy para tanggapin ang ibibigay na helicopter.

“Jordan is giving us two Cobra helicopters. Those things that we cannot really afford. Maybe in my term pakatapos.

“I would have wanted to but Esperon said, ‘No, do not do it. Maybe mayor, you can swallow insults. Anyway you are doing it almost everyday. You are throwing curses, epithets and all and the people that you… eh hindi man rin sila makaganti, this time I am asking you to shut up’,” anang Pangulo.

Ang UN High Commissioner at kapatid ng Prinsipe ng Jordan at kapag aniya patuloy niyang babanatan ang kapatid nito sa UN ay baka hindi na matuloy ang ibibigay na helicopter.

Sinabi ng Pangulo na kasalukuyang nasa Jordan si Esperon para asikasuhin ang ibibigay na Cobra helicopters sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?