17

Oct 17, 2021 @ 22:50
By

Espejo, Tokyo muling nilugmok ng Suntory

Bigong makasampa sa win column si Marck Jesus Espejo at FC Tokyo makaraang tumiklop kontra defending champion Suntory Sunbirds, 25-23, 25-23, 20-25, 27-29, 12-15, sa 54th V.League sa Sky Arena sa Japan Linggo ng hapon.

Kapos ang 16 points, tatlong block at isang service ace ni Kvaren Jonas at ang 15 attacks, tatlong block ni Espejo sa pagbagsak ng team sa 0-2.

Semplang din ang Tokyo sa Sunbirds via five sets nitong Sabado 24-26, 22-25, 25-23, 25-21, 11-15.

Sunod na toka sa tropa ni Espejo ang sa Oktubre 23 ang JTEKT Stings. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?