33

Jan 20, 2020 @ 18:00
By

Espejo nagpakawala ng facial hit sa Cambodian player

Pasiklab agad si power hitter Marck Espejo sa debut game nito sa 2020 Volleyball Thailand League bilang reinforcement para sa Visakha Volleyball Club nitong Linggo.

Pinangunahan ni Espejo ang kampo ng Visakha kontra Prince Finance, 25-22, 25-21, 18-25, 25-22.

Dahil sa kanyang performance na 25 points, 23 attacks, dalawang blocks at isang ace, tinalaga itong Player of the Game ng laban.

“Maybe we’re just waiting for the game to end. We were relax. This is our first game. Hopefully we better ourselves next game,” pahayag ni Espejo sa post-game interview.

Naging highlight rin sa laban ang backrow attack ni Espejo kay Cambodia’s Soun Channaro sa fourth set.

Isang facial hit ang pinakawalan ni Espejo na agad rin namang humingi ng tawad kay Channaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?