25

Sep 28, 2021 @ 21:35
By

Espejo mainit na tinanggap

Mainit na sinalubong ng FC Tokyo si import Marck Jesus Espejo sa pagkilala ng Japanese team sa kanilang mga manlalaro para sa 55th V.League 1 2021-22.

Matapos pumalo kasama ang Visakha VC sa Thailand at Bani Jamra sa Bahrain sa nakaraang taon, balik Japan ang Pinoy reinforcement na unang humampas sa V.League noong 2018 para sa Oita Miyoshi Weisse Adler.

“Thank you for your warm welcome. I am looking forward to playing with everyone at FC Tokyo. I promise to do my best. Thank you for your support,” litanya ni Espejo, five-time University Athletic Association of the Philippines MVP.

Unang makakasagupa ni Espejo at ng FC Tokyo, eight placer sa nakaraang season, ang Suntory Sunbirds sa Oktubre 16.

Samantala, dahil sa pag-palo sa Japan, ekis na si Espejo para sa PH club team sa 2021 AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Oktubre 8-15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?