91
Espejo, Cignal HD ayaw magpaawat
Jul 23, 2019 @ 19:11
By

Espejo, Cignal HD ayaw magpaawat

Target ngayon ng Cignal HD Spikers ang double championship papasok sa Spikers Turf Open Conference sa darating na Agosto 20.

Ayon kay Coach Dexter Clamor at ace player Marck Espejo, puntirya naman ng koponan, matapos ang Reinforced Conference championship, ang mid-season tournament ng liga.

Winalis ng HD Spikers ang championship series kontra Go For Gold-Air Force para makuha ang ikaapat na titulo ng Cignal sa Spikers Turf.

“One week rest muna kami to celebrate, mag-enjoy muna kasi grabe ‘yung pinagdaanan namin ngayong conference,” pahayag ni coach Clamor, na nakuha ang kanyang unang Spikers Turf title matapos palitan si coach Oliver Almandro ngayong taon.

“After a week, trabaho na ulit, kaya sana makuha nga namin.”

Kasama ni coach Clamor sa pagbisita sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila, sina Espejo, Manuel Sumanguid III at Jude Garcia.

Ibinahagi rin ni coach Clamor ang magiging sitwasyon ng Cignal sa Open Conference kung saan ilan sa kanyang mga player ang liliban sa koponan para maglaro sa kanilang college teams katulad nina Garcia at Sumanguid.

“Sana buo pa rin ‘yung team,” saad ni coach Clamor sa session na ipiniprisinta ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

“May mga player kasi kami na collegiate pa rin and ‘yung mother team nila kasali rin. So sana makausap namin yung coaches nila para makumpleto pa rin ‘yung lineup namin,” dagdag pa ng former Perpetual Help player turned coach, na pinasalamatan din ang Cignal management para sa consistent support.

“Tingin ko basta buo pa rin kami, kaya naming mag-back-to-back champions.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?