By

España Blvd., sa Maynila, isinara dahil sa martsa ng mga militante

Sharing is caring!

Isinara ang westbound lane ng España Boulevard sa Maynila dahil sa pagmamartsa ng libu-libong raliyista na nagmula sa Quezon City.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-9:22 ng umaga nang isara ang España Boulevard westbound o ang linya na patungo ng Quiapo, Maynila.

Ito’y matapos mabarahan ng humigit-kumulang 3,000 mga raliyista ang kalsada at wala nang madaanan ang mga motorista.

Hindi naman naapektuhan ang daloy ng trapiko sa kabilang linya ng España o ang lane na patungo sa Quezon Avenue.

Nang magsimula namang tumulak pa-Mendiola ang mga raliyista, unti-unti nang umusad ang daloy ng trapiko.

Sa kasalukuyan ay nag-umpukan na ang mga raliyista sa Mendiola na magsisilbi nilang meeting place para sa malawakang kilos-protesta ngayong Labor Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?