188

Sep 28, 2021 @ 17:06
By

Espada ni Robin matalas pa rin

Patunay ng pagiging mahilig sa martial arts ni Robin Padilla ang koleksyon niya ng mga armas.

Isa na rito ang traditional Filipino sword na tinatawag na ‘ginunting.’

Ipinakita ito ng aktor sa kanyang Instagram post, kung saan ibinida niya kung gaano katalas ang espada.

“Practicing my Ginunting traditional filipino sword. 8 taon ko na ito hindi nahugot sa suksukan nito pero hindi kinalawang o pumurol. Ang talim nito ay kasingtalas pa rin nong bago siya,” saad sa caption.

Pinatunayan pa nga ni Robin ang talas ng naturang espada nang ipakita niya ang sugat sa kanyang daliri na dulot umano ng talim nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?