104

Oct 25, 2021 @ 15:59
By

Esmi ni Troy Rosario napamura sa ‘sahod’ ni Corpuz

‘Di nakapagtimpi ang asawa ni Troy Rosario na si Michelle matapos mapanood ang game three sa finals series ng TNT at Magnolia kung saan ‘di natapos ni Rosario ang laro dahil sa nabaling daliri.

Ang kaliwang hinliliit ni Rosario ay nabali matapos siyang masahod ni Magnolia forward Jackson Corpuz sa isang fastbreak play.

At dahil nasahod, sinubukan ni Rosario na itukod ang mga kamay, kung saan siya nabalian ng daliri.

Flagrant foul penalty 1 ang pinataw kay Corpuz, ngunit ‘di na rin natapos ni Rosario ang laro, kung saan nanalo ang Magnolia, 106-98.

Kaya sa kanyang Instagram story ay naghimutok si Michelle sa hard foul ni Corpuz.

“Gago @jackcorpuz mag-basketball ka lang,” saad ni Michelle.

Bukod sa asawa ni Troy, isa rin si Manny V. Pangilinan sa mga ‘di natuwa sa naging tawagan sa game three na pabor umano sa Hotshots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?