628

Jul 31, 2021 @ 15:40
By

Esmi ni Noli de Castro yumao na

Pumanaw nitong Sabado ang asawa ng beteranong broadcaster at dating vice president Noli de Castro.

Sa Facebook post, kinumpirma ng anak nilang si Katherine ang pagyao ni Arlene Sinsuat.

“I love you mommy very much, rest now mommy,” sabi ni Katherine.

Walang detalyeng inilagay sa cause of death ni Sinsuat pero inaayos na umano ang burol para rito.

Ayon sa ulat, isinilang si Arlene Sinsuat-de Castro sa Cotabato noong 1955.

Matapos ang EDSA Revolution noong 1986, naging executive producer ng ABS-CBN Corp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?