581

Sep 13, 2021 @ 22:31
By

Esmi ni Mabilog palaban kay Digong

Rumesbak ang asawa ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kay Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pag-ugnay sa mister niya sa iligal na droga.

Nag-react si Mrs. Marivic Mabilog sa tirada ng Pangulo laban kay Senador Franklin Drilon kung saan pinagpapaliwanag ito sa koneksyon kay Jed, na may kaugnayan aniya sa illegal drug trade.

“You brought up Jed’s name again. You miss him that much? Sorry, but he’s taken. I am the better choice, er, the best choice,” patutsada ni Marivic sa Facebook post.

Binanggit din ni Marivic na magpinsan si Drilon at kanyang asawa.

“They share the same bloodline. You see? Decency, honesty and the desire for public service run in their blood. Both are not tainted with any proven cases of corruption. You can’t say the same for most of the political clans in the country,” aniya.

Pinalagan niya ang paulit-ulit na akusasyon ng Pangulo laban sa kanyang asawa na sangkot umano sa droga.

Aniya, nilinis o inabsuwelto na ng PNP, DILG, PDEA at NBI ang dating alkalde sa droga.

“That everything you accused Jed of is just a product of your evil, malevolent, sick mind? Fentanyl not working on you? Triple dose might help. Better yet, an overdose will solve the country’s ills,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?