37

Oct 18, 2021 @ 16:47
By

Esmi ni Gary V itinanggi paglisan sa ‘Kapamilya’

Pinasinungalingan ni Angeli Pangilinan ang mga usap-usapan na aalis ng ABS-CBN ang asawa niyang si Gary Valenciano.

Umugong ang haka-haka na aalis sa Dos si Gary V dahil sa kanyang tweet noong Biyernes kung saan humingi siya ng dasal para sa isang importanteng desisyon.

Nilinaw naman ni Angeli, na tumatayong talent manager ni Gary V, na personal at hindi propesyonal ang desisyon na gagawin ng asawa.

“Pure Gossip. Where did you get that? He had to make a personal decision, not a professional decision,” pahayag ni Angeli sa isang tweet.

Binalikan din ni Angeli ang mga panahon na nagkaroon ng problema sa kalusugan ang singer kung saan hindi sila pinabayaan ng ABS-CBN.

Si Gary V ay 18 taon na sa naturang network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?