78

Jun 8, 2021 @ 20:05
By

Esmi ni Chito Miranda nakabili ng truck sa tindang tuyo

Tuloy sa paglago ang gourmet tuyo business ng asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig.

Maliban kasi sa nakabili na siya ng lupa sa Alfonso, Cavite ay nakapagpundar siya ngayon ng sarili niyang truck.

Masaya itong ibinalita ni Neri sa kanyang Instagram post.

“Paparating na si Truckie this week! Yahooooo! Thank you, Lord!” sey ni Neri.

“Yes, ang kinita ko sa pagtutuyo ang pinambili ko kay Eltri at ngayon naman kay Truckie. Inipon ko para di magloan at walang karagdagang bayad. Tiis tiis lang talaga at pikit mata mong babayaran. Pero naniniwala akong mababawi ko naman!” dagdag niya.

“Para makadeliver na kami ng maramihan sa aming mga distributors! At para di na sila kukulitin ng mga masisipag nilang resellers at dahil UBUSAN TALAGA NG STOCKS!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?