163

Dec 12, 2017 @ 12:55
By

Eskuwelahan sa Navotas binulabog ng bomb threat

Kinansela ang klase sa Tangos Elementary School matapos makatanggap ng tawag na may bomba umanong sasabog sa nasabing paaralan.

Sa report ng dzBB, kaaagad na pinalabas ng eskuwelahan ang ilan mag-aaral matapos makatanggap ng tawag ang tanggapan ng principal mula sa isang hindi kilalang caller at sinabing anumang oras ay may sasabog na bomba doon.

Natanggap ang tawag alas-6:15 a.m. Hindi na pinapasok sa loob ng silid-aralan ang mga papasok ng mga mag-aaral habang ang mga maagang pumasok ay pinalabas na rin sa gusali.

Agad na nag-report ang mga guro sa pulis na kasalukuyang nagsasagawa ng search operation sa loob at labas ng paaralan. (Cherck Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?