121

Nov 1, 2019 @ 13:41

Escudero nagpasalamat sa Guinness

Galak at pasasalamat ang nadama ni Sorsogon Governor Chiz Escudero matapos kamtin ng probinsya ang bagong record sa kategoryang “pinakamalaking Filipino folk dance” sa Guinness World Record (GWR).

“Thank you!!!” na lang ang nai-caption ni Escudero sa tweet ng GWR sa nasabing tala.

Ayon sa GWR, 7,127 Sorsoganon ang lumahok sa pagtatanghal ng Pantomina dance at hindi nagpaawat sa makulimlim na panahon, kaya nagtagumpay silang pagwagian ang unang Guinness Record para sa nasabing kategorya.

Nanguna si Escudero at asawang si Heart Evangelista sa pagtatanghal ng sayaw tungkol sa ligawan at pag-ibig.

Nakamit ng Sorsogon ang parangal sa pagtatapos ng kanilang Kasanggayahan Festival ngayong taong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?