603

By

Escudero kina Piñol, NFA: Ipapakain niyo ba ang bukbok rice sa pamilya niyo?

Sharing is caring!

Kuwestiyon ito ni Senador Chiz Escudero kay Agriculture Secretary Manny Piñol at mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na nagsasabing ligtas kainin ang bukbok rice.

Nakaimbak ang bukbok rice na inangkat ng NFA sa mga barkong nakadaong sa Subic, Zambales at Tabaco, Albay dahil ipinapa-fumigate o pinapatay pa ang bukbok.

Sinabi ni Piñol at mga opisyal ng NFA na kakain sila nito sa harap ng media upang patunayan na ligtas iyong kainin.

Ayon kay Escudero, maaring ipakita nina Piñol sa litratuhan na kumakain sila ng bukbok rice pero gusto niyang makita na iyon din ang bigas pag-uwi ng mga ito sa kanilang bahay.

Doon lang umano masusubok kung talagang kampante sina Piñol na ligtas ang bukbok rice.

“‘Yan ba ang bigas na nasa bahay nila? Hirap n’yan, kakain sila sa harap ng media, magpapa-picture sila. Tapos sa bahay nila, iba ang bigas,” sabi ni Escudero.

“Kung talagang safe ‘yan, patunayan niya,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?