434

Dec 7, 2017 @ 15:40
By

‘Escort’ ni VP Leni, suspek sa nakawan sa NAIA

Sinisiyasat pa kung kabilang talaga sa close-in security details ni Vice President Leni Robredo ang lalaking tumangay ng cellphone battery charger ng isang babaeng guwardiya sa NAIA Terminal 3.

Base sa ulat, ala 6 30 ng gabi noong Nobyembre 16 nang mangyari ang insidente sa VIP security checkpoint sa arrival area.

Ayon kay security officer Gerlie Gobaton, naka-charge ang kanyang cellphone battery ng mga sandaling iyon nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan.

Pagbalik niya mula sa comfort room ay wala na ang battery at charger na nakasaksak sa isang electrical outlet.

Agad niya itong isinumbong sa airport police at nang panoorin nila ang cctv footages ay nakita ang isang lalaking naka suot ng berdeng barong at kabilang umano sa security escorts ni robredo na siyang tumangay ng battery at charger.

Nabatid na noong gabing iyon parating mula sa Cagayan de Oro City at sakay ng Cebu Pacific si Robredo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?