80
Escalante-vice-mayor
Jan 11, 2018 @ 20:42
By

Escalante vice mayor, pinasususpinde ng Ombudsman

Inatasan ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na suspendihin si Escalante City, Negros Occidental Vice Mayor Santiago Maravillas dahil sa kasong “two counts of abuse of authority and oppression’ na isinampa laban dito.

Batay sa media statement mula kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, si Maravillas ay napatunayang nagkasala sa pagsibak at hindi pagpapasahod sa dalawang contractual employees na sina Florencio Lauron, Heavy Equipment Operator II, at Francisca Pabuaya, Administrative Aide II, noong 2016 bilang acting mayor.

Nabatid na sinibak ni Maravillas si Lauron sa trabaho noong Enero 12, 2016 habang si Pabuaya naman ay tinanggal sa payroll noong Enero 1, ng nasabi ring taon, nang walang due process.

“Respondent’s act of terminating the services of complainants [Lauron and Pabuaya] without cause and without due process is a clear display of excessive use of authority,” base sa order ng Ombudsman.

Ito umano ay malinaw na nagmalabis at nilabag ni Maravillas ang nilalaman ng Presidential Decree No. 807 at Executive Order No. 292, nagsasaad na hindi pwedeng sibakin sa trabaho ang isang pampublikong empleyado hangga’t hindi hinahatulan o ipinag-utos ng batas.

Magugunitang taong 2015, si Maravillas ay nagsilbing acting city mayor nang suspendihin ng Ombudsman si Mayor Melecio Yap Jr. dahil naman sa misconduct matapos na mag-isyu ng tseke at voucher na hindi awtorisado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?