19
your-face
By

Esang, Onyok, Marco, Bigshot Trio, magpapatalbugan sa ‘Your Face’

Sharing is caring!

Bagong barkada ng talented kiddie performers ang dadaan sa cute transformations kada weekend upang magbigay ng world-class family entertainment ngayong summer sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Simula May 5 at 6, level up ang performances at kulitan ng sampung Kapamilya child stars na nagmula sa iba’t ibang larangan ng industriya at ita-transform ang kanilang itsura, galaw, at boses bilang local at international music icons.

Una na riyan ang Anghel ng Masa na si Marco Masa, na nakilala bilang bida ng values-oriented primetime na mga teleserye na Nathaniel at My Super D.

Bida rin sa naturang sitcom ang Bulilit Kikay na si Chun-Sa, na unang nagpasikat at nakilala ng mga manonood sa kanyang panggagaya kay Maja Salvador sa ‘Mini Me’ ng It’s Showtime.

Pasok din ang Bibong Astig na si Onyok Pineda na napanood noon sa FPJ’s Ang Probinsyano at pelikulang Ang Panday.

Gagamitin naman ng Kiddie Kontesera na si Esang De Torres ang kanyang karanasan sa mga singing contest na The Voice Kids at Mini Me, pati na pagbibida sa mga international musical gaya ng Les Miserables at Matilda the Musical upang pagtagumpayan ang laban kada linggo.

Sanay naman sa standing ovation ang Inday Wonder na si Sheena Belarmino na hinasa ng mga patimpalak sa biritan, kabilang na ang Tawag ng Tanghalan Kids.

Parehong entablado at on-cam performing naman ang hilig ng Precious Darling na si Krystal Brimner, na siyang bumida sa 2016 local production ng sikat na musical na Annie at tinanghal na Best Child Performer sa 2015 Metro Manila Film Festival para sa Honor Thy Father.

Award-winning at multi-instrumentalist naman ang Poging Lodi na si Noel Comia Jr., na bukod sa agaw-pansing performances sa The Voice Kids ay nakapagtanghal na sa higit sa sampung plays, nagwagi na ng tatlong Aliw Awards, at siyang pinakabatang aktor na nagwagi ng Best Actor trophy sa Cinemalaya Awards para sa Kiko Boksingero.

Pinagkakaguluhan naman ang online sensations at Bigshot Trio na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Keifer Sanchez o pinamagatang TNT Boys. Matapos sumikat para sa kanilang makatindig balahibong singing showdowns, naging viral ulit kamakailan ang tatlo para sa kanilang performance sa Little Big Shots UK.

Magiging kakampi ng lahat ng kiddie performers ang bagong celebrity mentors na gagabay sa kanila upang maging ka-sound at ka-face ng music icons – sina Jed Madela at Nyoy Volante.

Si Billy Crawford pa rin ang host, at jurors pa rin sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?