349

Jun 5, 2019 @ 16:33
By

Erwin Tulfo, pamilya tinanggalan ng police escort

Binawi na umano ng Philippine National Police ang police escorts ng broadcaster na si Erwin Tulfo at kaniyang pamilya.

Ito’y matapos paulanan ng mura ni Tulfo si Social Welfare Rolando Bautista habang naka-live sa radyo nang hindi siya pagbigyan sa isang interview.

Binantaan pa nito si Bautista na sasampalin at ingungudngod sa kubeta.

May appointment umano ang kalihim ng mga oras na iyon kaya hindi pinaunlakan ang interview ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?