105

Jul 15, 2019 @ 16:33
By

Erwin Tulfo, nag-renew na ng kanyang license to own guns

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na sinimulan nang ayusin ng brodkaster na si Erwin Tulfo ang renewal ng kanyang license to own and possess firearms (LTOPF).

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na sinimulan na ni Tulfo ang pagproseso ng renewal ng kanyang LTOPF sa PNP Firearms and Explosive Office na nag-expire noon pang Marso 3, 2019.

“He’s in the process of renewing his LTOPF. Karapatan naman niya i-renew ‘yung kanyang LTOPF ,” saad ni Albayalde.

Dahil sa ginawa ni Tuflo na pag-asikaso ng kanyang renewal LTOPF, hindi na nito kinakailangang i-surrender ang kanyang mga baril.

“Kung wala tayong makitang effort, that’s the only time na magkakaroon ng police intervention. Pero on his part, in fairness naman sa kanya, he is undergoing the normal process for the renewal of his LTOPF,” dagdag ng opisyal.

Matatandaang matapos mag-expire ang LTOPF ni Erwin noong Marso 3 ay ilang beses nang nanawagan ang PNP na pansamantalang isuko muna nito ang pag-aari nitong mga baril habang hindi pa naaayos ang mga papeles ng renewal.

Tinanggalan din ang Tulfo brothers ng police escort matapos ang ginawang maaanghang na pahayag ni Erwin kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista sa kanyang programa sa radyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?