459

Jul 29, 2019 @ 23:57
By

Erwan magselos kaya? Korean star Bo Gum, kinumusta si Anne

Pang-international level talaga ang beauty ni Anne Curtis na maging ang sikat na South Korean actor na si Park Bo Gum ay napansin ang Kapamilya actress.

Sa Twitter ay tinag ni Anne si Bo Gum dahil sa nakita nitong standee ng aktor habang siya at nasa Seoul.

“Look who I bumped into in Seoul! Annyeong @BOGUMMY” ayon kay Anne.

Nagulantang naman ang social media nang biglang mag-reply si Bo Gum sa Pinay star.

“Sorry for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here? I’m shooting a movie these days. Though the weather’s too hot, I hope you can fully enjoy the time while staying in Korea! Thank you for saying hi to me:)” saad sa reply ni Bo Gum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?