127

Apr 22, 2021 @ 12:17
By

Erwan, Isabelle umambag sa community pantry

Suportado ng ilang celebrity ang trending na Maginhawa community pantry sa Quezon City, na sinimulan ni Patreng Non.

Katunayan, nag-donate sina Erwan Heussaff at Isabelle Daza ng dolyar para sa nasabing inisyatiba.

Kuwento ng nanay ni Non na si Zena Bernardo, nag-set-up ng PayPal fundraiser ang kapatid ni Patreng na si Jenny, na nasa US, para makatulong sa community pantry.

Doon na nagbigay si Erwan ng $2,000 (P96,000) at si Isabelle ng $250 (P12,000).

Ayon kay Bernardo, “nagdoble” ang cash donations matapos batikusin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang community pantry.

“Salamat ELCAC! LABYUMATS!” aniya pa.

Sa ngayon, $14,363 (P695,000) na ang nalikom nitong fundraiser. Nilinaw ni Bernardo sa isang panayam na ang pera ay hindi mapupunta sa Maginhawa kundi sa higit 350 community pantries sa buong Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan na aniya si Jenny sa ibang community pantry sa kung paano pinakamahusay na magagamit ang mga donasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?