61

Jun 23, 2022 @ 19:02
By

Erro, Fragada swak bilang OIC ng DAR, DENR

Kinumpirma ng Malacanang ang appointment nina Atty. David Erro bilang Officer-in-Charge ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Joselin Marcus Fragada bilang Officer-in-charge ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pinalitan ni Erro si Acting Secretary Bennie Cruz habang si Acting Secretary Jim Sampulna naman ang pinlitan ni Fragada.

Kapwa na-by passed ang appointments nina Cruz at Sampulna matapos abutan ng pagsasara ng sesyon ng Kongreso nitong Hunyo.

“The Palace confirms that Mr. David Erro has been designated Officer-in-charge of the Department of Agrarian Reform. The Palace likewise confirms that Mr. Joselin Marcus Fragada has been designated as OIC of the Department of Environment and Natural Resources,” ani acting Presidential Spokesman Martin Andanar.

Ang appointentment nina Erro at Fragada ay pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong June 20, 2022 at matatapos ang termino sa June 30, 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?