45

Oct 16, 2020 @ 21:32
By

Erram kumayod ng 27 puntos: TNT giniba defending champ SMB

Patuloy ang malakas na signal ng TNT Tropang Giga sa AUF Sports Arena, Pampanga matapos na kunin ang kanilang ikatlong panalo sa 2020 PBA Philippine Cup sa paglampaso sa San Miguel Beer, 107-88, Biyernes ng gabi.

Kung sa dalawang unang laro ay sina Bobby Ray Parks at Roger Pogoy ang nagpakilala, ngayon naman ay si TNT center Poy Erram ang bida sa laro.

Walang nakapigil kay Erram sa ilalim lalo’t garahe si six-time PBA MVP June Mar Fajardo, kumamada ng 27 points at 15 rebounds, 9-of-9 field goal din sa two-pointer.

Katuwang niya si Parks na nagbuhos ng 22 points matapos ang kanyang 40-point explosion noong Martes kontra Terrafirma Dyip.

Si Alex Cabagnot naman ang naging top scorer para sa San Miguel na pumuntos ng 15, habang nabalewala naman ang magandang simula ni Terrence Romeo sa first half dahil sa injury.

Sinugod sa Medical City Clark si Romeo matapos na mapuruhan ang kanyang balikat sa bungguan nila ni TNT veteran guard Ryan Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?