49

Oct 11, 2021 @ 16:15
By

Erram basag ang pisngi, TNT delikado sa game five

Nanganganib na lumaro ang TNT Tropang Giga sa game five ng kanilang best-of-seven semifinals series na wala ang starting center na si JP Erram.

Sa game four noong Linggo kung saan binaboy ng San Miguel ang TNT, 116-90, hanggang second quarter lamang lumaro si Erram matapos mabagsakan ni Mo Tautuaa at humampas ang kanyang mukha sa sahig.

Ayon sa team manager ng TNT na si Gabby Cui, mukhang fractured cheekbone ang tinamo ni Erram.

“Suspected fractured cheekbone. More tests to be done today,” wika ni Cui sa ulat ng Tiebreaker Times.

Kaya naman walang kasiguraduhan kung makakalaro si Erram sa game five, kung saan ang mananalo ay makukuha ang 3-2 abante sa serye. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?