12

Feb 26, 2021 @ 19:32
By

Erpat timbog sa buy-bust ops sa Cabanatuan

Arestado ang isang haligi ng tahanan matapos mahulihan ng higit P340,000 halaga ng umano’y shabu sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kinilala ang suspek na si Benny Estares.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Dicarma kung saan nakatira si Estares.

Nasamsam naman sa suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?