By

Erpat ni Nonito Donaire, pasok sa Team Pacquiao

Sharing is caring!

Idinagdag ni Manny Pacquiao sa kanyang All-Pinoy training team si Nonito Donaire, Sr., tatay ni four-division champion Nonito Donaire, Jr.

Magsisilbing head trainer pa rin si Buboy Fernandez habang bahala sa conditioning si Nonoy Neri sa paghahanda ni Pacquiao sa July 15 encounter nito kay WBA world welterweight kingping Lucas Matthysse ng Argentina.

“Donaire will serve as one of my assistant coaches. So far I am happy with my current team,” ayon kay Pacquiao, 39, unang sasabak sa ruwedang parisukat sapul nang maagawan ng WBO 147-pound belt ni Australian Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2017.

Nasa ikalawang linggo na ng ensayo si Pacquiao sa General Santos City at sinabi nitong makakatulong niya sa pagbuo ng istratehiya si Donaire. (Ferdz Delos Santos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?