344

Oct 9, 2021 @ 18:39
By

Erpat ni Ella Cruz nauna sa color pink

Noong nakaraang buwan pa umano handa ang kulay pink para sa ama ng aktres na si Ella Cruz, na tatakbong alkalde sa 2022 elections.

Ang ama ni Ella na si Thristan ay tatakbong alkalde ng bayan ng Angat sa Bulacan at pink ang napili nitong kulay.

Ani Ella, bago pa man ilabas ni Bise Presidente Leni Robredo ang kulay na pink ay ang ama niya ang unang gumamit nito.

“Our PINK doesn’t define who’s ‘our nation leader’. Last month pa nakaready na pink kami,” saad sa Facebook post ni Ella.

Dugtong pa ng young actress, hindi kaalyado ni Robredo ang ama.

“INDEPENDENT po tatakbo ang Papa ko, walang kapartido, kaming pamilya lang,” dugtong pa niya.

Samantala, mula dilaw ay ginawang pink ni Robredo ang kulang ng kanyang kampanya sa 2022 dahil iba na raw ang laban ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?