37

Sep 12, 2021 @ 21:41
By

Erpat ni Angel Locsin sapul ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang 94-anyos na ama ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares.

Ibinahagi nito ng aktres sa kanyang IG account ngayong Linggo, kung saan pinost niya ang larawan ng ama na isinakay sa ambulansya.

“It’s been a week of feeling helpless. Imagine having [COVID-19] at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings,” saad ni Angel sa caption.

Sa kabila nito, patuloy na nagiging positibo ang aktres.

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWDs and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass,” aniya.

Bumuhos naman ang suporta at panalangin ng mga kapwa artista at ng mga netizen sa comment section. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?