100

Feb 13, 2021 @ 16:25
By

Erpat ginahasa anak ng kinakasama, timbog

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa South Cotabato matapos mapag-alaman ng kapulisan na ginagahasa niya ang menor de edad na anak ng kanyang kinakasama.

Kwento ni PMaj. Irish Parangan, hepe ng T’boli PNP, tatlong taon na umanong binababoy ng amain ang hindi na pinagalanang biktima.

Anila, ginagawa ito ng suspek dahil OFW ng ina at kumpyansang hindi siya mahuhuli.

Napansin umano ng lola ng bata na wala ng gana umuwi ang biktima sa kanilang bahay at doon na napakwento ang menor de edad sa nangyayaring krimen sa kanilang bahay.

Nang malaman ito ng lola ay agad silang nagtungo sa mga awtoridad para manghingi ng tulong.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at nahuli ang suspek.

Kasalukuyang hawak na ng kapulisan ang amain ng bata. Samantala, nasa kustodiya naman ng Municipal Social Welfare and Development Office ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?