20

Eroplano sumadsad sa Pangasinan: 2 sugatan

Sharing is caring!

Bumagsak sa maisan o corn field ang isang eroplano na two-seater nitong Martes, na pababa na sana sa bayan ng Binalonan sa Pangasinan.

Nasaktan sa insidente ang piloto nito na si Capt. Bruce Sinaking at student pilot na si Marcus Lim, na kapwa dinala sa isang ospital sa Urdaneta City, ayon kay Chief Insp. Lovell Dalisay, hepe ng Binalonan Police.

Nagliyab ang Cessna 152 habang pa-take off bandang alas-siyete ng umaga.

Wasak na wasak umano ang eroplano, ayon pa sa hepe.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Civilian Aviation Authority of the Philippines ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?