104
cebu-pac-airplane
Jan 3, 2018 @ 18:48
By

Eroplano ng Cebu Pac, nagkaaberya sa Australia

Hindi nakalipad mula sa Sydney, Australia ang eroplano ng Cebu Pacific dahil sa aberya.

Ayon kay Charo Lagaton, tagapagsalita ng Cebu Pac, technical issue sa eroplano ang dahilan kaya’t hindi na itinuloy ang biyahe pabalik ng Manila ng Flight 5J040.

Hindi tinukoy ni Lagaton ang isyu sa kanilang eroplano ngunit aniya maaaring malagay sa panganib ang mga pasahero kapag natuloy ang paglipad nito.

Ang eroplano ay dapat aalis sa Sydney ng alas-10:00 ng umaga kanina.

Bukas, Enero 4, ay dadating sa Sydney ang eroplano ng Cebu Pac na susundo sa mga naapektuhang pasahero at inaasahan na dadating ito pabalik ng NAIA ng alas-6:10 ng gabi.

Sinabi pa ni Lagaton na sinagot na nila ang pagkain at hotel accommodations ng mga apektadong pasahero bukod pa sa ibibigay sa kanilang one-way voucher. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?