131
ABANTE bicol international airport crash
Jan 10, 2018 @ 14:33

Eroplano ng BSP, sumadsad sa Bicol airport

Sumadsad sa shoulder ng runway ang eroplano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa iniwasang guard house sa gitna ng ginagawang Bicol International Airport sa Daraga, Albay bandang alas-11:00 ngayong umaga, Enero 10.

Ayon sa security guard ng Bicol International Airport na si Armando Blando, nagkamali umano ng landing ang eroplano na akala ay sa Legazpi Airport nakapag-landing kaya’t nabigla nang makitang may guard house sa gitna ng runway, sa ulat ng DZMM.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyari.

Kargado ang eroplano ng pera na dadalhin sa BSP sa Legazpi, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP kung emergency landing ang nangyari at tinitingnan kung na rin kung nagkaroon ng mechanical problem kaya nag-emergency landing ang eroplano.

Wala ring apektadong flights sa insidente dahil kasalukuyan pang ginagawa ang Bicol International Airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?