94

Oct 5, 2019 @ 20:02
By

Eroplano ng Australian Air Force, nag-emergency landing sa Tacloban

Kinumpirma ng mga opisyal na nag-emergency landing sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City ang isang eroplano ng Royal Australian Air Force nitong Sabado ng tanghali.

Ayon sa ulat, patungo sana ng Australia ang Boeing C17 Globemaster III na nagmula sa Japan nang umusok umano ang cockpit nito kaya nag-emergency landing sa nasabing airport dakong alas-12:48 ng tanghali.

May sakay umano ang eroplano na walong crew member at 36 na pasahero.

Posibleng abutin pa umano ng dalawang araw ang pagkukumpuni sa eroplano bago muling makalipad, batay sa Civil Aviation Authority of the Philippines sa Tacloban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?