18

By

Eroplano nag-overshoot sa runway, 4 na flights sa Palawan kinansela

Sharing is caring!

Ilang flights papunta ng Palawan at pabalik ng Maynila ang kinansela matapos na mag-overshoot sa runway ng Francisco B. Reyes airport, dating Busuanga airport ang isang papalapag na eroplano nitong Biyernes.

Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hindi nakapreno ang Skyjet flight M8 717 na galing ng NAIA dahilan para lumapas ito sa runway.

Ang eroplano na isang British Aerodpace BAe 461 na inooperate ng Magnum Air Inc.

Ligtas naman na naihatid sa airport terminal building ang 80 pasahero at anim na crew na sakay nito.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng CAAP ang nasabing insidente.

Dahil dito, kinansela ng Cebu Pacific ang apat nitong flight papunta ng Busuanga at pabalik sa Maynila para sa Sabado, June 9, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?