1,155

Nov 29, 2021 @ 17:34
By

Eroplano ginawang bahay ng engineer

Tila survival movie ang buhay ng isang retiradong electrical engineer matapos niyang magpasyang manirahan sa eroplano sa gitna ng kagubatan.

Ayon sa ulat, noong nasa edad 20s (taong 1999) ang 64-anyos na si Bruce Campell, bumili siya ng may sampung ektaryang lupain sa kagubatan ng Hillsboro, Oregon.

Doon niya inilagak ang lumang Boeing 727 at ginawang pinaka-kakaibang tahanan sa mundo. Gumastos siya ng $220,000 para maisakatuparan ang kanyang aircraft dream home.

Nilagyan niya ang eroplano ng washing machine, lababo at shower. Hindi na niya inalis ang isa sa tatlong CR ng eroplano.

Nagluluto siya sa pamamagitan ng toaster o microwave, at kalimitang kinakain ay mga de-latang pagkain at cereal.

Samantala, ang cockpit ng eroplano ang nagsisilbi raw niyang “cyber office”.

Bukod dito, plano rin daw ni Campbell na bumili ng mas malaking Boeing 747-400 para gawing bahay niya sa Miyazaki, Japan.

Ngunit bakit nga ba niya trip na trip na manirahan sa eroplano?

Paliwanag ni Campell, kayang-kayang kasi ng mga eroplano ang hanggang 575 mph na lakas ng hangin, highly fire-resistant din umano ito at kayang magbigay ng higit na seguridad.

“They’re among the finest structures that mankind has ever built,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?