65
DOJ sa Maynila pansamantalang isinara
Sep 21, 2021 @ 16:14
By

Ermat ni Bree Jonson sa DOJ: Harangin si Julian Ongpin

Umapela ang nanay ng yumaong artist na si Bree Jonson sa Department of Justice (DOJ) ngayong Martes para maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay Julian Ongpin.

Si Ongpin ang kasama ni Jonson sa isang hostel room sa San Juan, La Union noong Sabado, kung saan natagpuan ng awtoridad ang walang buhay na katawan ng 30-anyos na biktima

Nahuli si Ongpin at dinala sa isang presinto ngunit sinasabing pinakawalan agad ito noong Lunes.

Kaya naman dumulog ang magulang ni Jonson sa DOJ upang maharang ang posibilidad na makalabas ng bansa si Ongpin.

“I’m reaching out to you, [Justice] Secretary Menardo [Guevarra]… asking for an immigration lookout bulletin order because of Julian Ongpin’s possible involvement in the death of my daughter Bree Jonson,” wika ng nanay ni Bree na si Sally sa panayam ng ANC.

“I also requested for this DOJ frontline a hold departure order for Julian for possession of illegal drugs,” aniya.

Nahulihan noon si Ongpin ng 12.6 gramo ng cocaine at nagpositibo rin dito. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?