34

Eriksson, Azkals durog sa China

Hindi na matutuloy ang hapunan ni Philippine Azkals coach Sven-Goran Eriksson at dati nitong katunggali na si China coach Marcello Lippi matapos pulbusin ng koponan ng huli ang Pilipinas 3-0 noong Biyernes (Sabado sa Pilipinas).

Nag-apoy si Chinese striker Wu Lei at sumipa ng doble kontra Azkals at mas umangat pa rito si Lippi sa labanan ng dalawang heavyweight na coaches.

Sa nakagawian ng dalawang coaches, kung sino man ang talo sa kanilang laban ay manlilibre ng hapunan kasama ang isang bote ng vintage na wine.

Pero wala aniyang magaganap na hapunan ayon kay Eriksson dahil wala aniya siya sa mood para sa isang mahabang usapan.

“No, no dinner plans. I was not in a very good mood for a long discussion. I just wished (Lippi) good luck for the future,” wika ni Eriksson.

Inamin din ni Eriksson na nakalimutan nila ang isa sa mga ace ng China na si Wu Lei at hindi nila ito napaghandaan nang husto.

“We forgot about Wu Lei – twice. If you do that he will punish you and he did with two great goals,” dagdag nito.

“We paid a heavy price but we are not home yet. We still have hope – but small hope, probably.”

Sobrang proud naman si Lippi sa kanyang mga manlalaro nang masungkit nito ang kanilang ikalawang panalo sa torneo ng padapain nito ang Pilipinas kasabay ng pagpabagsak nito sa Kyrgyzstan, 2-1.

“I’m very proud of my players,” sabi ni Lippi. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?