25

Sep 12, 2020 @ 10:58
By

Erika Padilla nanganak na sa ika-2 baby nila ni Cariaso

May bagong blessing sa pamilya ng dating PBA courtside reporter na si Erika Padilla at Alaska Aces head coach Jeffrey Cariaso.

Sa Instagram post ni ‘The Jet’, pinasulyap nito ang tinuturing niyang ‘best birthday gift’ na si baby Estella Gloria.

Ayon sa post ni Cariaso, iniluwal ang ikalawang baby nila ni Erika nitong Sabado, September 12, ganap na alas-2:02 ng madaling-araw.

Kakadiwang lang nina Erika at Jeffrey ng 3rd birthday ng kanilang panganay na si Jet limang araw na ang nakararaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?