31

By

Erik pagod sa away kay Rufa Mae

Sharing is caring!

Habang nagdi-dinner nga pala ang grupo namin, napagkuwentuhan namin ni Erik ang ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto na active na naman ngayon sa showbiz at part pa nga ng cast ng sitcom ng ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

“Friends ba kayo?” ang pang-uusisa ko kay Erik.

“Oo naman Kuya Jun, friends kami ni P-chie (palayaw ng kanyang ex-girlfriend),” sagot naman niya na dinugtungan ko ng, “Naku, dati, nagsusumbong sa akin si P-chie, parang may away kayo?”

“Hahaha. Kuya Jun, palagi naman kaming nag-aaway ni P-chie noong kami pa. Hindi naman maiiwasan ‘yon. Pero friends na kami. Okey kaming dalawa. Happy nga ako for her. Saka ang baby niya, ang ganda,” sabi ni Erik na ang tinutukoy ay ang anak ni Rufa Mae at ng mister na si Trevor Magallanes, si Alexandria Athena.

Nang magkita nga sila kamakailan sa ABS-CBN, ipinakilala pa siya ni P-chie sa anak nito.

Siyempre, hindi ko na inusisa pa si Erik sa kanyang lovelife dahil naudlot naman ‘yung sa kanilang dalawa ni Angeline Quinto na inakala pa naman ng lahat na siyang ipinalit niya kay Rufa Mae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?